Duterte wants war on crime, drugs extended for 6 more months

Duterte wants war on crime, drugs extended for 6 more months




Sablay ang unang social contract na pinasok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino matapos itong humingi ng anim na buwang ekstensyon sa kanyang kampanya laban sa iligal na droga.

Subalit sa panayam ng Abante kay Magdalo Rep. Gary Alejano, wala itong planong hamunin si Duterte na mag-resign dahil hindi nito natupad ang kanyang pangako na tatapusin niya ang problema sa iligal na droga at kriminalidad sa unang tatlo hanggang 6-buwan ng kanyang administrasyon.

“I will not ask him to resign although sinabi niya noong campaign na magre-resign siya kapag hindi na natapos ang problema sa illegal drugs at criminality. Pero ang malinaw, hindi siya nakatupad sa kanyang first social contract,” ani Alejano.

Sinabi ng mambabatas na kaya ibinoto ng mga tao si Duterte noong nakaraang eleksyon ay dahil sa pangako niya na tatapusin niya ang problema sa droga sa loob ng 3-6 buwan.

“The very reason why binoto siya ng taumbayan at nagtiwala sa kanya, dahil nangako siya na tatatapusin niya ang droga at kriminalidad sa anim na buwan,” ani Alejano — kaya isang uri, aniya, ito ng hindi pagtupad sa kanyang unang social contract sa mamamayan.

Marami, aniya, ang desperado na sa problema sa iligal na droga kaya kumagat, aniya, ang mamamayan sa pangakong ito ni Duterte.

“Kaya ka namin binigyan na mandato kasi sinabi mo ‘yan (na tatapusin ang problema sa iligal na droga). ‘Yan simple relationship ng pulitiko at taum­bayan, ang tawag natin dyan social contract,” ayon pa sa kongresista.

“President should keep his words. President should be sensitive of what he’s saying,” ayon pa kay Alejano.

source : abante
Duterte wants war on crime, drugs extended for 6 more months Duterte wants war on crime, drugs extended for 6 more months Reviewed by phunite on 11:48:00 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.