CBCP: Nasaan Ang Pangako Ni Duterte Na Magbibitiw Kapag ‘Di Nalutas Ang Droga?
CBCP: Nasaan Ang Pangako Ni Duterte Na Magbibitiw Kapag ‘Di Nalutas Ang Droga?
MANILA, Philippines – Isinusumbat ngayon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP kay Pangulong Rodrigo ang pangakong binitawan ng huli nang ito ay nangangampanya pa lamang.
Partikular na tinatanong ni Manila Archbishop Broderick Pabillo ang naunang pangako ng Pangulo na magbibitiw sa puwesto kapag hindi niya nalutas ang problema sa droga at kriminalidad sa loob ng 3-6 na buwan.
“Ano ang nangyari sa pangako niyang magbibitaw siya sa pagkapangulo?” tanong ng arsobispo matapos humingi si Duterte ng karagdagang anim na buwan para tapusin ang problema sa ilegal droga sa bansa. “Sa kanyang kampanya ay tiniyak niya na tatapusin niya ang problema sa droga sa loob ng anim na buwan”.
Ayon kay Pabillo, lumalabas na walang isang salita si Duterte at hindi mapagkakatiwalaan dahil marami itong ginagawang dahilan matapos paasahain at papaniwalain ang mag tao sa kaniyang kakayahan.
“Walang sinuman tao ang nasa matinong kaisipan ang nakapagsabi ng ganyan. Hindi niya ba nakikita na ang kanyang pamamaraan ay hind epektibo?” dagdag pa ni opisyal ng CBCP.
Walang mataas na opisyal na naparusahan
Ang CBCP ay nauna nang nagpahayag ng kanilang pagkabahala sa lumalaganap na patayan alinsunod sa panawagan ni Duterte na sugpuin ang droga at kriminalidad sa bansa sa loob ng anim na buwan.
Sa huling talaan ng Philippine National Police (PNP), umaaabot na sa 3,000 ang napatay na kinabibilangan ng mga pinaghihinalaang drug user at pusher, at ang ilan pa ay pinaniniwalaang inosente.
“We are disturbed by an increasing number of reports that suspected drug-peddlers, pushers, and others… have been shot, supposedly because they resist arrest,” ayon kay CBCP President Soc Villegeas sa isang nilagdaang pahayag nito bilang pagtugon sa mga tumataas na bilang ng mga namamatay kaugnay sa operasyon ng pagsugpo sa droga sa ibat-ibang panig ng bansa. [Kami ay nababahala sa tumataas na bilang ng mga ulat na ang mga suspek ay nabaril, diumano dahil nanlaban]
“It’s equally disturbing that vigilantism seems to be on the rise,” ito ang naging pahayag ni Soc Villegas, ang pangulo ng CBCP. [Nakababahala rin na ang bilang ng vigilante ay tila tumataas.]
Rehabilitasyon ang mas kailangan
Ayon kay Pabillo, naniniwala siya na mas mainam na ituon na lamang ang atensyon ng gobyerno sa rehabilitasyon ng mga nalululong sa droga.
Mas makabubuti umano kung itutuon na lamang ng gobyerno ang kampanya nito laban sa kahirapan at kurapsyon dahil lumalabas na wala pa namang napaparusahang mga matataas na opisyal tulad ng mga heneral o mayor.
Lumabas ang pahayag ng CBCP matapos humingi ng pag-unawa ang Malakanyang dahil kailangan umano ng Pangulo ng karagdagang panahon para makagawa ito ng “comprehensive solution” para sa problema sa droga.
Subalit ayon naman kay Ping Lacson, ang anim na buwang karagdagang palugit ay walang saysay dahil ang problema sa droga, krimen at kurapsyon ay napakaimposibleng sugpuin kahit pa ng mga mauunlad na bansa sa daigdig.
Source :
, Balita
CBCP: Nasaan Ang Pangako Ni Duterte Na Magbibitiw Kapag ‘Di Nalutas Ang Droga?
Reviewed by phunite
on
11:05:00 AM
Rating:
No comments: