Aiko Melendez defend Duterte: For me siya pa din ang best president because he addresses our current problem with a solution not just all talk
Aiko Melendez defend Duterte: For me siya pa din ang best president because he addresses our current problem with a solution not just all talk
Ipinagtanggol ni Aiko Melendez si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng isyung kinakaharap nito matapos maging kontrobersyal ang kanyang pahayag tungkol kay US President Barack Obama.
Lumikha ng ingay ang mga salitang binitawan ni Pres. Duterte sa isang briefing sa Davao International Airport nitong Lunes, September 5.
Dito ay tinanong ng isang reporter kung paano ipapaliwanag ng Philippine president sa US president ang tungkol sa diumano’y kaso ng extrajudicial killings sa bansa kaugnay sa kampanya ng gobyerno laban sa droga.
May kasamang pagmumura ang sagot ni Pres. Duterte, at isinulat sa mga balita na ang pagmumura ni Duterte ay patukoy umano kay Pres. Obama.
Nag-react ang US at kinansela ang nakatakdang bilateral meeting nina Obama at Duterte sa ginaganap na Asean Summit sa Vientiane, Laos.
May mga tagasuporta ni Duterte ang nagsabing hindi para kay Pres. Obama ang pagmumura ni Pres. Duterte
Isa na nga rito ang kilalang artista na si Aiko Melendez.
sa comments section ng post ni Robin Padilla ay nag-react si Aiko Melendez.
Pagtatanggol ng aktres, marami man ang nagulat sa paraan ng pagsasalita ni Duterte, lalo na ang mga hindi sanay, kailangan pa rin daw isipin ang mga ginagawa ng Pangulo upang ipagtanggol ang bansa nang walang hidden agenda.
“Walang perpektong leader! We should always see the good side, i know its not an everyday expression for some people who are conservative but at the end of the day, we must consider how he fights for our Country without hidden agenda and un ang mahalaga.”
Sabi pa ni Aiko, “For me siya pa din ang best president because he addresses our current problem with a solution not just all talk..
source : dutertedynamic
Aiko Melendez defend Duterte: For me siya pa din ang best president because he addresses our current problem with a solution not just all talk
Reviewed by phunite
on
9:35:00 AM
Rating:
No comments: