Alamin ang resulta ng drug test ni Baron Geisler


Alamin ang resulta ng drug test ni Baron Geisler




Sa kaniyang Facebook post, ipinaalam ng kontrobersiyal na aktor na si Baron Geisler na sumailalim siya sa drug test at ipinakita niya ang naging resulta nito.
Sa naturang post ni Baron nitong Miyerkules, nakasaad ang pagpapasalamat ng aktor sa isang "Kowboy" na nagdala umano ng drug test kit.
Saad sa caption ni Baron sa mga larawan na nagpapakita ng ginawa niyang drug test, "i tested negative by the way, i know everyone is wondering about me, im fine and good. I think this is a great idea for everyone to have, just in case anyone is accused on line or by the police".


Matatandaan na lumabas sa mga ulat na isusunod umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang kampanya laban sa droga ang mga celebrity na gumagamit umano ng bawal na gamot.
Katunayan, sinusuri umano ng PDEA ang CCTV footage sa isang lugar sa Mandaluyong na ni-raid kamakailan na patuloy na pinupuntahan daw ng ilang celebrity.


Sa isang ulat naman sa GMA News TV's Balitanghali nitong Miyerkules, sinabi ng batikang aktor na si Edu Manzano na walang ibang dapat sisihin ang mga artista na madadakip dahil sa iligal na droga kung hindi ang sarili.
"Kung mag-raid ang PDEA at may mahuli na artista, they only have themselves to blame. The warning has been given out already... The artists have been forewarned," saad ng aktor.

source : gma
Alamin ang resulta ng drug test ni Baron Geisler Alamin ang resulta ng drug test ni Baron Geisler Reviewed by phunite on 10:41:00 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.